Gloc 9 - Upuan (Lyrics) ft. Jeazell Grutas
Kayo po na naka upo Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko Ganito kasi yan eh Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga patay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Kayo po na naka upo Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko Mawalang galang na po Sa taong naka upo Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo Pero kulang na kulang parin Ulam na tuyo't asin Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa'y wag magalit O bato-bato bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata (hehey) Wag kang masyadong halata Wag kang masyadong halata (hehey) Wag kang masyadong halata (hehey hehey) Hehey hehey #upuan #gloc9 #lyrics
Cast
Gloc-9
Singer
You Might Also Like
Andrew E MIX Songs 2024 ~ Andrew E Top Songs 2024 ~ Andrew E
GUDDHIST GUNATITA Non stop song | NO ADS | Mr.NonStop
FLOW G x SKUSTA CLEE x SHANTI DOPE NONSTOP 2023 #trending
Di Pinili - Team Sekai Bagong Trending Hutgot Rap Love Songs 2023 - Tyrone, JYSN & Eevez'One
2000s 2023 R&B MIX ~ Ne Yo, Rihanna, Beyonce, Chris Brown, Alicia Keys, Usher and more
2Pac - Dear Mama
Tyga - Sexy ft. Nicki Minaj, Megan Thee Stallion, Offset & Saweetie (Official Video)
𝙊𝙡𝙙 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡 𝙍𝙖𝙥 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙡𝙞𝙨𝙩 - SPREAD LOVE playlist
18 MINUTES OF HEV ABI TRENDING SONGS
The Best of Andrew E. Full Album 2020 - Andrew E Rap Songs Nonstop - Andrew E. New Playlist 2020
Looney Tunes | Best Cold Opens Vol. 2 | WB Kids
Nik Makino - BAD CHICK (feat. Tipsy Kidd)
Comments
1 Comments
